Archive for the ‘Filipino Jokes’ Category

Pinoy Contractor

Sunday, March 8th, 2009

Three contractors are bidding to fix the White House fence. One from the Philippines, another from Mexico and an American. They go with a White House official to examine the fence.

The American contractor takes out a tape measure and does some measuring, then works some figures with a pencil.  ‘Well,’ he says. ‘I figure the job will run about $900: $400 for materials, $400 for my crew and $100 profit for me.’

The Mexican contractor also does some measuring and figuring, then says, ‘I can do $700: $300 for materials, $300 for my crew and $100 profit for me.

‘The Filipino contractor doesn’t measure or figure, but leans over to the White House official and whispers: ‘$2,700.’

The official, incredulous, says, ‘What? You didn’t even measure like the other guys! How did you come up with such a high figure? How do you expect me to consider your service with that bid?

‘Easy,’ the Pinoy explains, ‘$1,000 for you, $1,000 for me and we hire the guy from Mexico ‘.

The next day, the Pinoy and the Mexican are working on the fence.

Filipino Quotes

Monday, January 12th, 2009
    • Lahat ng problema may solusyon, kung walang solusyon, wag mo nang problemahin.
    • Always remember, kung kaya ng iba, ipagawa sa kanila. Don’t force yourself, make your life easy.
    • Hindi lahat ng gwapo may girlfriend… ang iba sa kanila, may boyfriend!
    • Don’t face your problem if your problem is your face… Umiwas sa lahat ng bagay na nakakaninag – salamin, microwave, magfocus sa mga letra kapag nasa harap ng computer screen.
    • Di bale nang tamad, di naman pagod.
    • Practice makes perfect, but nobody’s perfect so why practice ?

      Sari-Saring Jokes 2

      Saturday, November 29th, 2008

      Pulubi: Palimos po ng cake.

      Ale: Aba , sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!

      Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?

      —————————————————-

      BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali ! Lagi nalang ako mali !!! Di ‘nyo na ako mahal!

      AMA: Nagkakamali ka anak!

      BOY: See! Mali na naman ako!!!

      —————————————————

      Nanay: Ang lakas mo kumain pero di ka mautusan. Ang kapal mo!

      Anak: Kapag yung baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o ung baboy? Umayos ka nay! Wag ganun!

      —————————————————–

      BF : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo muna!

      GF: Sige, clue naman…

      BF: Kailangan ito ng leeg mo.

      GF: Kwintas?

      BF: Hindi… PANGHILOD!

      ——————————————————–

      (Sa loob ng Mall)

      GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.

      Jowa: Ang pangit pangit naman!

      GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since…

      ————————————————-

      JUDGE: Ano ba talaga nangyari?

      ERAP: ? (di nagsasalita)

      JUDGE: Sumagot ka sa tanong.

      ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

      ——————————————————–

      inspiring quote of the day:

      “hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko.”

      ——————————————————–

      TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?

      PEDRO: ako ma’am! Ako ma’am!

      TEACHER: okay Pedro, what is science?

      PEDRO: science is our lesson for today.

      ——————————————————–

      AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.

      (nilabas ni Inday)

      INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such

      unabashed display of vagrant destitution!

      PULUBI: oh! I’m so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!

      (nakakuha na ng katapat si Inday!)

      ——————————————————

      BOB: nakakamagkano ka sa 1 araw?

      PULUBI: nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.

      BOB: hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?

      PULUBI: pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!

      ——————————————————

      DOC: umubo ka!

      PEDRO: ho! Ho! Ho!

      DOC: ubo pa!

      PEDRO: ho! Ho! Ho!

      DOC: okay.

      PEDRO: ano po ba sakit ko doc?

      DOC: may ubo ka.

      ———————————————

      in a miss gay pageant:

      HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?

      BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!

      ————————————————-

      MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.

      CUSTOMER: ha?! Pano yan?

      MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

      Sari-Saring Jokes 1

      Saturday, November 29th, 2008

      Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.

      Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.

      Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

      ———————————————————

      BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.

      DAD: ha? aba’y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba’y di pa ba nila nakikita?

      ————————————————

      BOY1: nakakakawa naman lola mo.

      BOY2: bakit?

      BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.

      Pinagtitinginan nga ng tao.

      BOY2: papansin lang yun!

      BOY1: bakit?

      BOY2: bago kasi blouse niya!

      —————————————–

      A boss confused about his Math asked his secretary:

      If I give you P3M less 17%, how much would you take off?

      SECRETARY: everything sir! Dress, bra, panty!

      ——————————————–

      TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa

      dugo’t pawis ng mga magsasaka?

      MGA BATA: eeewwww!

      ——————————————-

      STUDENT: ma’am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman

      ginawa?

      TEACHER: natural hindi.

      STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!

      ——————————————

      PARI: halika sa sulok

      MADRE: bakit po?

      PARI: sara mo pinto.

      MADRE: wag po!

      PARI: patayin mo ilaw!

      MADRE: diyos ko po!

      PARI: tamo rosary ko. Glow in the dark!

      ————————————

      Sa kasalan

      PARI: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.

      GROOM: eto P5, father.

      Tinignan ng pari ang bride.

      PARI: eto P4 sukli mo iho.

      ————————————–

      Sinoli ni Erap ang libro sa library.

      ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.

      LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!

      ——————————————

      SA OSPITAL…..

      WIFE: hon, nahirapan ako huminga.

      HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.

      ——————————————–

      GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?

      BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.

      GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!

      ——————————————-

      nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang

      siya dahil wala naman siyang tinatanim.

      BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.

      ERAP: bobo! Seedless to!

      —————————————–

      ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?

      NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.

      ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!

      NANAY: bakit?

      ANAK: ang dami niyong utos eh!

      ——————————————

      Thought to ponder:

      Hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat

      ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingin mo?

      —————————————–

      Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.

      ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.

      ERAP: hay salamat. Akala ko bago.

      Ang Liham ni Bebeng

      Sunday, October 19th, 2008

      Registered nurse si Bebeng sa L.A. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Bebeng. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

      Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na nakadikit ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika! Nakudrado tuloy ang mukha ng inay.”

      Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan ang kabaong. Aba ! May sulat na-nakastaple sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Bebeng:

      Mahal kong tatay at mga kapatid:

      Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang nanay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. “Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni nanay ang mga sumusunod…

      Nasa likod ni nanay ang dalawampu’t apat na karnenorte at isang dosenang spam.
      Ang adidas na suot ni nanay ay para kay tatay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni nanay. Tig-iisa kayo.

      Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwetan ni nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi natunaw. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni nanay ay para sa bunso ni ate. Gift Ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene.

      Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, japanese version ng pokemon trading cards at stickers. “Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang
      mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

      Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party.May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni nanay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

      Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni nanay ay para sa mga anak mo, diko, na nagbabasketball. Tigdadalawang ream ng Marlboro lights at Winston red ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

      Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kilikili ni nanay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

      Isang dosenang Wonder bra ( Victoria ’s Secret ata ang tatak)gustong-gusto ni Tiya Iskang society natin, suot-suot din ni nanay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo tatay, suot-suot ni nanay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, Itay.

      May isinisik akong zip-loc sa bunganga ni Inay na naglalaman ng $759 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

      Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo Kuya para pag namatay si Tatay may pambili na ng ataul.Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) nagustong-gusto mo, ditse, ay suot- suot din ni nanay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nailcutter kay Jay bakla sa kanto.

      Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante sa bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

      Marami pa sana akong ipaglalalagay kaya lang, baka mag-excess at si nanay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, tatay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito.

      Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing. Alam ni ate ang email ko.
      Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

      Nagmamahal,
      Bebeng